Throwback: Ang magpinsang sina Julia Barretto at Sabina Santiago




Mga imahe mula sa Instagram accounts na @ricoyanclaudine at @claubarretto

Sino ang hindi matutuwa sa larawan ng mga cute na batang sina Julia Barretto at Sabina Santiago?

Sa Instagram, ibinahagi ng fan page na @ricoyanclaudine ang throwback photo ng anak ni Marjorie Barretto at Dennis Padilla, at ang adopted daughter ng former celebrity couple na sina Claudine Barretto at Raymart Santiago.

Sa larawan, kitang-kita kung gaano kalapit ang dalawang bata. Yakap-yakap pa ni Julia ang nakababata niyang pinsan.

Imahe mula sa Instagram account na @ricoyanclaudine
Imahe mula sa Instagram account na @ricoyanclaudine

Matagal-tagal na rin ang lumipas simula noong kuhanan ng larawan ang dalawa. Ngayon ay 14 na taong gulang na si Sabina habang 21 years old na si Julia.

Imahe mula sa Instagram account ni @claubarretto
Imahe mula sa Instagram account ni @claubarretto

Sa kasalukuyan, tanyag na si Barretto bilang other half ng popular na tambalan na Joshlia, kung saan kapareha niya ang rumored boyfriend na si Joshua Garcia. Hinahangaan din ng marami ang husay niya sa pag-arte.

Imahe mula sa Instagram account ni @juliabarretto
Imahe mula sa Instagram account ni @juliabarretto

Samantala, nitong Abril ay ginanap ang graduation day ni Sabina sa Multiple Intelligence International School; isang paaralan sa Quezon City.

Imahe mula sa Instagram account ni @claubarretto
Imahe mula sa Instagram account ni @claubarretto

Time flies, ‘ika nga.

Source :

Instagram