Salamat lang, sapat na! Grab driver hinangaan sa pagbibigay ng libreng sakay




Image capture from Philstar video via Facebook/Jeman Bunyi Villanueva Facebook Account

Kahanga-hanga ang isang Grab driver dahil sa natatangi nitong pagtulong sa kapwa — ang magsakay ng pasahero nang libre.

Ayon sa ulat ng PhilStar, ang driver ay kinilalang si Romualdo Alabarca, 63, at ang kanyang ruta ay Taft Avenue Manila hanggang sa Bacoor Cavite.

Image capture from Philstar video via Facebook
Image capture from Philstar video via Facebook

Noong Abril lamang unang nag-Grab si Alabarca. Aniya, ginagawa niya ang libreng sakay kapag siya’y pauwi na. Nagsimula rin ito nang maging hanapbuhay ang pagmamaneho,

Saad pa ni Romualdo, naaawa siya sa mga commuters na na-stranded at parehong gas lamang daw ang kanyang gagastusin kaya walang problema sa kanya ang magsakay nang libre.

Pagmamalaki pa ni Romualdo, hindi siya namiili ng pasahero.

Isa lamang ang kabayaran na nais ni Romualdo sa kanyang libreng sakay: “Magpasalamat lang, masaya na ako nun!”

Dumating din siya sa punto na naitanong niya sa kanyang sarili na kung kapamilya niya naman ang walang masakyan ay may magpasakay kaya?

Giit pa ni Romualdo, kusang-loob niya itong ginagawa at hindi siya naghahanap ng anumang kapalit.

Hinding hindi rin umano siya hihinto sa paggawa ng kabutihan sa kapwa

Mensahe pa niya: “Dapat kahit sa maliit na paraan ay gumawa sila ng tama.”

Sa Facebook post ni Jeman Bunyi Villanueva, ibinahagi nito ang magandang karanasan kay Romualdo:

Saludo kami sa iyong kabutihan, manong!

Panoorin ang video na ito ng PhilStar para sa iba pang detalye: