Post ng HS student kaugnay sa mga larawan kasama ang kanyang ina, umantig sa netizens




Mga larawan mula sa Twitter account ni @nanatat07

Mahirap mawalan ng minamahal  sa buhay lalo na kung ito ay iyong magulang.

Isipin lamang na gigising ka isang umagang wala na sa iyong piling ang iyong mahal na sumakabilang-buhay- hindi mo na maririnig, makikita, makakausap, o makasasalamuha, ay lubhang masakit na sa kalooban.

Mabuti na lamang at dahil sa kaalaman ng tao ay natuklasan ang pagkuha ng mga larawan sa pamamagitan ng mga makabagong gadget tulad ng camera upang maingatan ang magagandang gunita o alaalang pinagsaluhan…gaya ng isang mag-ina.

Umantig sa damdamin ng mga social media users ang post ng isang high school student kaugnay sa mga larawan nila ng kanyang ina.

Ibinahagi nito gamit ang handle na @nanatat07 sa kanyang Twitter account ang mga larawan nila ng kanyang mahal na ina habang sila ay nagba-bonding.

Sa mga unang larawan, mapapansing masaya pa ang mag-ina at kitang kita ito sa kanilang mga ngiti sa labi.

Aniya sa kanyang tweet: “For 4 years I’ve taken pictures with my mom on my first and last days of school. “

Mga larawan mula sa Twitter account ni @nanatat07
Mga larawan mula sa Twitter account ni @nanatat07

Subalit batay rin sa mga sumunod pang larawan, mahihinuhang nagkaroon ng malubhang sakit ang mahal na ina ng netizen.

Makikita sa isang larawan na nakalbo ang kanyang ina, subalit sa kabila nito ay nakangiti pa rin at parang walang karamdamang iniinda. Sa huling mga buwan ng kanyang buhay-mag-aaral ay hindi na umano umabot ang kanyang ina.

Sa kabila nito, nananatiling matatag ang naturang netizen. Humuhugot siya ng inspirasyon at katapangang ipagpatuloy ang buhay dahil sa ipinakitang lakas ng loob ng kanyang ina sa paglaban sa kanyang karamdaman noong nabubuhay pa ito.

Mga larawan mula
Mga larawan mula sa Twitter account ni @nanatat07

Marami sa mga netizens ang nakiramay sa dalaga at humugot ng lakas sa kanyang nakaaantig na post.

Narito ang kanyang buong post sa Twitter:

Source :

Twitter, Twitter, Pilipino Scoop