Pamangkin ni Rico na inalagaan nila noon ni Claudine, nagtapos na summa cum laude




Mga imahe mula sa Instagram page na @ricoyanclaudine at IG account ni Tina Marie Yan

“Proud tito” marahil ngayon sa kabilang-buhay ang late actor na si Rico Yan dahil sa napakalaking karangalan na nakamit ng pamangkin niya na talaga namang mahal na mahal niya.

Nagtapos bilang isang summa cum laude ang pamangkin ni Rico na si Quiana, ang munting paslit na inalagaan nila noon ng dating ka-love team at ex-girlfriend niyang si Claudine Barretto.

Sa Instagram, ibinahagi ng kapatid ni Rico na si Tina Marie Yan ang isang larawan na kuha sa araw ng pagtatapos ni Quiana. Kalakip nito ang pagbati ng ina sa kanyang anak.

“Congratulations to my summa cum laude, Quiana! You never cease to amaze me. Am very, very proud of you. Keep on shining, anak. I’m right behind you cheering on you,” saad ni Tina.

[Binabatin ko ang aking summa cum laude na si Quiana. Palagi mo akong pinahahanga. Sobrang ikinararangal kita. Patuloy kang magningning, anak. Palagi akong nasa likod mo at sumusuporta.]

ssss

Inaanak ni Claudine si Quiana at talagang malapit talaga ito sa kanila ni Rico. Sa isang sweet birthday message noong 2016, sinabi ng Optimum Star na itinuring nilang parang sariling anak ang pamangkin ng aktor dahil mismong siya ay nakaranas na alagaan ito noong maliit pa.

ssss

Source :

Instagram, Buzz DF, IG