North Korea, inanunsiyo na wawasakin na ang kanilang nuclear test site

Imahe mula sa DNA India

Ilang linggo bago dumating ang pinakaaabangang summit sa pagitan ni US President Donald Trump at North Korean leader Kim Jong-un sa Singapore, inanunsiyo ng North Korea na wawasakin na nito ang kanilang nuclear test site.

Ayon sa ulat ng Mirror, sisimulan na ng North Korea ang pagkalas sa nucler test site sa ika-23 ng Mayo sa harap ng mamamahayag mula sa iba’t ibang bansa kabilang na ang Estados Unidos at South Korea.

Ipinahayag din ng KCNA, ang state news agency ng North Korea, na kabilang sa pagbaklas ng nuclear test site ang pagpapabagsak ng lahat ng mga tunnel sa pamamagitan ng pagpapasabog upang harangan ang lahat ng lagusan at ang pagtatanggal ng mga observation facilities, research buildings at mga security posts.

Pinuri naman ni President Donald Trump ang North Korea sa gagawing pagwasak sa nuclear test sites nito.

“Thank you, a very smart and gracious gesture!” tweet ni Trump.