Mon Confiado, ibinahagi ang mga sakripisyo bilang artista para sa shooting ng isang pelikula




Mga larawan mula sa Facebook account ni Mon Confiado

Maraming tao ang nagnanais na maging artista; maging sikat. Kumita ng maraming pera sa pamamagitan lamang ng pag-awit, pagsayaw, pag-host, pagpapakilig sa mga tao, pag-endorso ng produkto, at marami pang iba.

Patunay rito ang halos libo-libong taong  lumalahok sa iba’t ibang auditions ng mga tv networks upang mapabilang sa isang reality-talent show, makita sa telebisyon, at maging daan tungo sa mundo ng showbiz.

Para sa mahusay na versatile actor na si Mon Confiado, higit pa sa katanyagan ang pagiging artista.

Ibinahagi niya ang kanyang saloobin sa pagiging aktor kasabay ng pagbabahagi niya sa kanyang Facebook account ng kanyang mga sakripisyo, hindi lamang sa pisikal kundi maging sa mental at emosyonal na aspeto habang ginagawa niya ang isang makabuluhang pelikula na may pamagat na Iisa.

Para kay Mon, bilang mga artista, hindi lamang sapat na kabisaduhin ang kani-kanilang mga linya o diyalogo. Kung kinakailangang pag-aralan at unawain ang iba’t ibang damdamin, magbago ng kaanyuan, manerismo, at mga galaw ng isang karakter na kailangan at hinihingi sa eksena upang maging makatotohanan ay nararapat itong gawin.

Propesyunalismo, dedikasyon, at sakripisyo umano ang kailangang taglayin ng isang tunay na aktor.

We as actors, have to not only memorize pages and pages of lines and say them, but we also have to dive deeper into emotions in order for those words we memorized to seem real and authentic, from changing our appearances, speeches, mannerisms, nuances to better adapt to a character. Professionalism, dedication and sacrifices are very much required.

Inisa-isa ni Mon ang mga sakripisyong ginawa niya bilang paghahanda sa kanyang pelikula. Batay sa mga larawan, siya ay gumaganap bilang isang kawal. Dahil kinakailangan sa pisikal na katangian ng kanyang karakter, hinayaan niya ang kanyang sarili na mangitim ang balat sa pamamagitan ng pagbibilad sa araw at pagpapayat. Pumayag din siyang magpaahit ng buhok upang maging makatotohanan ang kanyang sugat sa ulo.

Mga larawan mula sa Facebook account ni Mon Confiado
Mga larawan mula sa Facebook account ni Mon Confiado

Nagpasalamat siya sa naglagay ng prosthetics na parang totoo.

Mga
Mga larawan mula sa Facebook account ni Mon Confiado

Pages ( 1 of 2 ):
1
2Next Page »

Source :

Facebook, Facebook, Pilipino Scoop