Mga nag-recruit ng Pinoy mushroom pickers sa Canada, kinasuhan

Imahe kuha sa video ng ABS-CBN

Kinasuhan ng Canada Border Services Agency (CBSA) ang tatlong indibidwal dahil sa kanilang paglbag sa ilalim ng Immigration and Refugee Protection Act (IRPA).

Ayon mismo sa official website ng pamahalaan ng Canada, ang mga kasong inihain CBSA Criminal Investigations Section sa Greater Toronto Area Region ay bunga umano ng isang taong imbestigasyon na may kinalaman sa eksploytasyon ng mga migranteng manggagawa.

Ang kinasuhan ay sina Laxman Marsonia na may-ari ng Sharon Mushroom Farm sa Sharon, Ontario; si Liwayway “Lily” Miranda na may-ari ng A&L Hammer Workforce Management Inc. sa Toronto; at si Yatin Bera ng Richmond Hill dahil sa pag-recruit ng mga manggagawa mula sa Pilipinas at ibang bansa bilang mushroom pickers.

Ang tatlo ay nakatakdang humarap sa Old City Hall Court in Toronto sa ika-28 ng Mayo 2018.

Sinabi ni Miranda na bukas siya sa imbestigasyon at maaari raw tanungin ang kanyang 100 empleyado kung legal ba sila na dinala sa Canada.

Sa mga naunang balita, nagbigay ng babala ang konsulado ng Pilipinas sa Canada na walang recruitment ng mushroom pickers sa Canada dahil wala namang aprubadong job order ang kahit na sinong Canadian employer. Wala rin umanong accredited recruitment agency para sa naturang trabaho.

 

Source :

CBSA, ABS-CBN