Liza Soberano, pinahanga ang mga netizen sa kanyang bagong hairstyle




Mga larawan mula sa Instagram account ni Liza Soberano

Isa sa mga itinuturing na artistang babaeng nagtataglay ng pinakamagandang mukha sa mundo ng showbiz ang Bagani actress na si Liza Soberano na katambal ng aktor na si Enrique Gil na mas kilala bilang ‘LizQuen.’

Hindi lamang mga lokal na magazines ang nagtatampok sa likas na kagandahan ng aktres kundi maging ang mga international magazines.

Makikita sa kanyang Instagram post ang elegant short hairstyle na bumagay sa kanyang Mark Bumgarner gown noong Linggo ng gabi, May 20, 2018, sa kanilang pagdalo ng rumored boyfriend na si Enrique sa 49th Box-Office Entertainment Awards kung saan tinanggap nila ang Box Office King and Queen award.

Marami rin siyang pinasalamatan sa kanyang parangal na natanggap tulad ng Guillermo Mendoza Memorial Scholarship Foundation Inc. na nagbigay sa kanila ni Enrique ng pagkilala, ang Star Cinema at ang mga taong bumubuo nito gaya nina Malou Santos, mga direktor gaya nina Cathy Garcia-Molina, Olivia Lamasan, Carmi Raymundo at Mico Del Rosario na gumabay sa kanila sa paggawa ng pelikulang My Ex and Whys.

Hindi rin siya nakalimot na pasalamatan ang home network dahil sa pagbubukas ng oportunidad sa kanilang dalawa ni Enrique na makapagbigay-inspirasyon sa mga Pilipino hindi lamang sa Pilipinas maging sa iba pang panig ng daigdig.

Thank you so much Guillermo Mendoza Memorial Scholarship Foundation Inc. What an honour it is to be called this years Box Office King and Queen. Of course none of this could’ve been made possible without Star Cinema, Tita Malou Santos, the help of our director @kaybash1326 who was constantly pushing me to my limits, Inang Olive Lamasan for bringing back the spark in me, @carmiraymundo and @micodelrosario1 for your guidance throughout the post process of the film.Thank you ABS-CBN for believing in me and the LizQuen tandem and for giving us the opportunity to inspire thousands of Filipinos all over the world. 

Thank you so much Guillermo Mendoza Memorial Scholarship Foundation Inc. What an honour it is to be called this years Box Office King and Queen. Of course none of this could’ve been made possible without Star Cinema, Tita Malou Santos, the help of our director @kaybash1326 who was constantly pushing me to my limits, Inang Olive Lamasan for bringing back the spark in me, @carmiraymundo and @micodelrosario1 for your guidance throughout the post process of the film. To our loving fans who spent sleepless nights tweeting, instagramming and putting together block screenings all for us THANK YOU. With or without this recognition we still feel like winners because of the unconditional love you show us. Thank you ABS-CBN for believing in me and the LizQuen tandem and for giving us the opportunity to inspire thousands of Filipinos all over the world. To be honest its really us (@enriquegil17 and I) who are inspired by all of you and the happiness we see on all of your faces. To my amazing partner @enriquegil17 who is always by my side, you bring out the best in me in ways nobody else can. I love you!!! Last but not least to Lord God our saviour for lending us the talent to be able to use our platform to make all of you happy. Sorry this is such a long message, my heart is just over flowing with Happiness and gratitude. Also thank you to my amazing glam team @mickeysee @santiagoraymond @perrytabora and @markbumgarner for my gown ❤️

A post shared by Liza Soberano (@lizasoberano) on

Kadalasan, ikinakapit ang pagpapaputol o pag-iiba ng hairstyle ng isang babae kapag siya ay malungkot, may matinding suliraning pinagdaraanan, o nakipaghiwalay sa karelasyon, subalit ang Liza na nakita ng lahat ay masaya at nagniningning ang kagandahan.

Bukod sa taping ng Bagani ay abala rin si Liza sa taping ng kanyang pelikulang “Darna” na matagal nang inaabangan ng kanyang mga tagahanga at tagasubaybay.