Jed Madela, nag-sorry sa mga fans ni Britney Spears dahil sa naging komento sa YFSF




Image capture form video by ABS-CBN News via You Tube

MAYNILA, Pilipinas – Humingi ng paumanhin si Jed Madela sa mga tagahanga ni Britney Spears dahil sa kanyang naging komento sa “Your Face Sounds Familiar Kids” kamakailan na tila hindi ikinatuwa ng ilang netizens.

Ito ay matapos ikumpara ni Jed ang boses ng sikat na American pop singer sa ilang hayop habang nagko-coach sa isang contestant ng YFSF.

Ani ni Jed habang pinapayuhan si Krystal Brimner na nakatakdang gayahin si Britney: “Kung ikukumpara natin siya sa mga tunog ng mga animals dito, medyo maraming involved na animals. Meron siyang tunog palaka, ducks, geese, may tunog rin siyang kambing.”

Subalit mukhang hindi nagustuhan ng mga fans ni Britney ang pagkukumpara ng boses ng kanilang idolo sa hayop.

Dahil dito, kaagad na humingi ng paumanhin si Jed sa mga ‘nasaktan’ sa kanyang komento.

“Hello!!! Uyyyy I’m sorry! Please don’t get me wrong. I, too, am Britney fan since day one until now! It was a way of making the kid easily understand how to switch her voice. Didn’t mean anything bad. Sorry ulit kung na offend kayo,” wika ni Jed sa kanyang tweet.

Sinundan pa ito ng ilang tweet ni Jed na nagpapaliwanag na ini-exaggerate niya lamang umano ang comparison para mas lalong maintindihan ng mga bata.

“Sorry, sorry talaga. Please extend my apology to all Britney fans. Again, we just had to compare it to animal sounds kasi yun ang theme tulad ng ibang icons na inimitate ng kids,” anito.

“Again… my apologies. We try our best to make it easier for the kids eh. But yeah… harsh nga. Sorry po,” dagdag pa ng Kapamilya singer.

Samantala, panoorin ang naging performance ni Krystal bilang si Britney Spears: