Duterte muling hinimok si Sison na bumalik sa bansa: ‘No Aquino-style of assassination’




Imahe mula sa I Love Pagadian

Makumbinse kaya?

Hinimok muli ni Pangulong Rodrigo Duterte si Communist Party of the Philippines founder Jose Maria Sison na bumalik sa Pilipinas para sa usaping pangkapayapaan.

Ayon sa ulat ng ABS CBN, tiniyak ni Duterte kay Sison na  walang Aquino-style na assassination kapag nagbalik ito sa bansa.

I’m giving you my word of honor. It is my word, and I would say umuwi ka mag-usap tayo, earnestly, sincerely,” ani Duterte sa kanyang talumpati sa change of command ceremony ng Presidential Security Group sa Malacañang.

If it is unsuccessful, please go home, ihatid ko siya sa airport. Walang Aquino-style na patayan na barilin ko sa likod,” dagdag pa nito, patungkol sa assassination kay Benigno ‘Ninoy’ Aquino Jr. sa Manila International Airport noong  Augosto 21, 1983.

Image from PCOO
Image from PCOO

Nauna nang inihayag ni Duterte na kanyang ipatatapon si Sison sa The Netherlands kapag hindi naging matagumpay ang peace talks.

Binalaan din ng Punong Ehekutibo si Sison na kanyang ‘papaslangin’  ang mga CPP leader kapag siya’y bumalik sa Pilipinas sa kabila ng hindi matagumpay na peace talks.

Ikinabahala ito ng mga communist leaders at tagasuporta nito ngunit sinabi ni Sison na ang pahayag ay isa lamang words of endearment.

Si Sison ay lumipad sa Europe makaraan ang bigong peace talks noong 1987. Handa umano siyang bumalik sa bansa  kapag may “substantial progress” ang peace talks sa pagitan ng komunista at gobyerno.

 Image from josemariasison.org
Image from josemariasison.org

Ang pamahalaan at National Democratic Front ay kasalukuyang  nag-uusap upang muling buhayin ang negosasyon sa usaping pangkapayapaan makaraang kanselahin ito ni Duterte.