Chito sa pagmamahal kina Neri, Miggy: Sa sobrang nag-uumapaw, nakakaiyak na




Imahe mula sa Instagram account ni @chitomirandajr

Sa isang nakaantig na post, ibinahagi ng Parokya ni Edgar frontman na si Chito Miranda kung gaano niya kamahal ang kanyang mag-ina na sina Neri Naig-Miranda at Miggy.

Sa Instagram, ini-upload ni Chito ang isang larawan ng kanyang mag-ina at ipinahayag kung gaano niya kamahal ang dalawa.

Imahe mula sa Instagram account ni @chitomirandajr
Imahe mula sa Instagram account ni @chitomirandajr

“Grabe ‘yung pagmamahal ko sa dalawang ‘to. Sa sobrang nag-uumapaw, nakakaiyak na,” aniya.

“Naranasan nyo na ba ‘yung sa sobrang pagmamahal na nararamdaman mo, umaabot sa point na parang nalulungkot ka na? ‘Yung parang kulang pa rin ‘yung napapakita mong pagmamahal compared sa intensity ng tunay mong nararamdaman? ‘Yung parang nami-miss mo sila kahit katabi mo lang naman sila? ‘Yung parang gusto mo silang gisingin para lang mag-I love you,” paglalarawan niya sa nadarama.

Ang hiling ng musikero, sana ay gabayan siya palagi ng Panginoon para maging mabuting asawa at ama.

“Sana gabayan ako ni God palagi (or i-remind Niya ako palagi na makinig sa Kanyang gabay) kung paano ako maging pinakamabuting tatay at asawa para sa pamilya ko,” wika niya.

“Thank you po for blessing me with a family na sa pamamagitan nila, nararamdaman ko mas lalo ang pagmamahal n’yo po para sa akin at nararanasan ko din magmahal nang ganito katindi,” dagdag niya.

Imahe mula sa Instagram account ni @chitomirandajr
Imahe mula sa Instagram account ni @chitomirandajr
Source :

Instagram