Best service! Paggupit sa noodles ng kumakaing customer kinaaliwan sa social media

Image capture from Blogtamsu TV Philippines Facebook account

Sa pagkain sa mga restaurant ay isinasaalang-alang natin syempre ang sarap ng pagkaing inihahain, at higit sa lahat ay ang serbisyo na ibibigay nila sa kanilang mga parokyano upang matiyak na sila’y babalik-balikan at hindi pagsasawaan.

Ngunit kakaiba ang serbisyo ng isang restaurant na ito! Aba, medyo mapanganib ngunit nakaaaliw. Gupitin ba naman ang noodles habang ika’y kumakain ay sobrang nakaaaliw.

Sa Facebook post ng Blogtamsu TV Philippines, ibinahagi nito ang video nang paggupit sa noodles ng customer ng isang service crew habang kumakain ito.

Medyo nagulat ang lalaki sa biglaang paggupit nito sa kanyang noodles ngunit nang ito’y ulitin ay aprubado na sa kanya.

Tila mabenta ito sa lalaki dahil mahahaba ang hibla ng noodles at napadadali ang kanyang pagkain nito.

Pinaniniwalaan naman na isa itong banyagang restaurant.

Labis na kinaaliwan naman ito ng ilang netizens:

“I think we’re gonna need someone like this for our Chinese.”

“You should do this in Oishi Bowl.”

“’That would annoy the hell out of me lol.”

May natakot naman na baka maputol ang dila ng customer: “It disturb the customer’s attention, baka pati dila mo maputol.”

Ikaw? Kakain ka ba sa ganito?

As of this posting, ang video ay aabot na sa mahigit 6k reactions at halos 10k shares.

 

Source :

Facebook