37 mga bilanggo ng New Bilibid Prison sa Muntinlupa, nakapagtapos sa kolehiyo




Image capture mula sa YouTube channel

Habang may buhay, may pag-asa. Maulap man ang papawirin ngayon sa isang tao, hahawi rin ang mga ito at lilitaw ang maliwanag na panginorin; hudyat ng panibagong pagbabago.

37 mga bilanggo ng New Bilibid Prison sa Muntinlupa City  ang nagtapos ng kurso sa kolehiyo na nasa ilalim ng programa ng University of Perpetual Help, katuwang ang Bureau of Corrections (BuCor) nitong Huwebes, Mayo 24, 2018.

Bagong pag-asa ang mensahe ng pagtatapos para sa lahat ng mga bilanggong sumisilip ng bagong pag-asa sa mga siwang ng rehas na bakal sa piitan.

Mga larawan mula sa Google Image Public Domain
Mga larawan mula sa Google Image Public Domain

Nagbigay naman ng kanyang makabuluhang talumpati ang class valedictorian na itinago sa alyas “Gelo” na nagtapos sa kursong Bachelor of Science in Entrepreneurship at Computer Hardware Servicing.

“Prison is not the end of your life…We all make mistakes and we should all be given second chances in life. I want to live normally again…I want to be given a second chance upon my eventual release,” ani Gelo.

Kailangan pang harapin ni Gelo ang nalalabing anim na taon sa loob ng Bilibid dahil sa kinakaharap na kasong homicide.

Tiniyak naman ng bagong talagang hepe ng BuCor na si Chief Ronald “Bato” dela Rosa na dumalo sa seremonya ng pagtatapos na  tutulungan umano nila ang mga bilanggong ito na makahanap ng trabaho kapag nakalaya na ang mga ito. Nangako si dela Rosa na siya mismo ang magbibigay ng rekomendasyon sa kani-kanilang mga magiging employer sa hinaharap.

“Kung kayo hindi mae-employ, dumaan kayo sa opisina ko, bibigyan ko kayo ng personal na recommendation ko. Whatever job na gusto ninyong applyan,” sagot ni BuCor Chief Ronald dela Rosa.

Image capture mula sa YouTube channel
Image capture mula sa YouTube channel