[Video] Payo ni Dennis sa anak na si Julia: Kung ‘di ka masaya, umalis ka na riyan




Mga imahe mula sa Instagram account ni @garciajoshuae at YouTube video ng StarsPhotog Vidz

May payo ang aktor na si Dennis Padilla sa kanyang anak na si Julia Barretto, na nasaktan kamakailan dahil sa nangyari sa kanila ng onscreen partners at rumored couple niya na si Joshua Garcia.

“Kay Julia, ‘pagka alam mong hindi ka masaya, umalis ka na diyan. Ngayon kung masaya ka pa diyan, maintain mo lang,” ani Padilla.

“Kasi gano’n lang naman ‘yun, e , ‘pagka masyado nang mainit sa kusina, anong gagawin mo? Umalis ka ro’n sa kusina, mainit eh. Pero kung kaya mo pa ‘yung init sa kusina at masaya ka pa sa kusina na ‘yun, stay within,” dagdag pa niya.

Matatandaang nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan ang dalawa matapos magpadala ng mensahe ang The Good Son actor sa isang Instagram user.

Narito ang panayam kay Padilla:

 

Source :

YouTube, Twitter