[Video] Lalaking nabulag, nagpatuloy sa buhay at naging ‘spiritual healer’

Imahe mula sa YouTube video ng GMA Network

Hindi naging hadlang ang isang masamang pangyayari upang magpatuloy sa buhay ang Sugod Bahay winner sa Juan for All, All for One segment ng Eat Bulaga.

Kuwento ng matandang lalaki, nabangga ang sinasakyan niyang taksi habang papasok sa trabaho noong siya ay 23 taong gulang pa lamang, taong 1966.

Labis daw ang naging pinsala sa kanya ng naganap na aksidente. Aniya, nabiyak noon ang isang bahagi ng kanyang mukha.

“Naospital ako almost one month…. Loss of eye sight ako. Hanggang ngayon, dito sa noo ko, may bakal pa rin. ‘Pag ganitong panahon, ‘yan masakit. ‘Pag mainit, masakit. ‘Pag malamig, masakit din,” kuwento niya.

Ilang buwan pa lamang silang kasal ng kanyang misis noong nawala ang kanyang paningin. Lima ang naging anak nila. Sa awa ng Panginoon, nakapagtapos naman ang kanilang mga supling.

“Naitaguyod, napaaral kahit papaano ‘yong mga bata…. Awa ng Diyos,” wika niya.

Kuwento niya, nairaos ang kanilang buhay ng pagiging spiritual healer niya.

“Binigyan ng Panginoon… 1977, tinawag tayo ng Panginoon. Humawak tayo ng spiritual healing. Ngayon, spiritual healer ako. Kaya nakita ninyo, may kasama ako, kaharap ko. Mga kuwan sila, may mga problemang pisikal…. Ang nanggagamot ang Diyos, hindi ako (instrumento lamang ako),” pagbabahagi niya.

Narito ang buong panayam sa Sugod Bahay winner:

Source :

YouTube