[Video] Anne, nagsalita na tungkol sa balitang siya ang gaganap na Valentina




Imahe mula sa Instagram account ni @annecurtissmith

Si Anne Curtis nga ba ang gaganap na Valentina sa Darna remake?

Ayon sa Umagang Kay Ganda, sa isang panayam ay nilinaw ni Curtis ang mga balita at usap-usapan na siya ang napiling gaganap bilang Valentina; isang iconic comic na kontrabida.

Itinanggi ng aktres na sa kanya ibinigay ang role ng karakter na kalaban ni Darna, na gagampanan naman ng popular na aktres na si Liza Soberano.

Gayunman, kung mabibigyan daw ng oportunidad, bukas daw ang aktres sa role na kontrabida ng kahit sinong Mars Ravelo character.

Matatandaan na minsan na nitong ginampanan ang papel ng sirenang si Dyesebel; isang karakter na nilikha rin ni Ravelo.

Abangan ang #Dyesebel sa Marso mga Kaibigan! @annecurtissmith

A post shared by Dyesebel (@official_dyesebel) on

Narito ang television report ng UKG: