Throwback: Mga bida ng Magic Temple na sina “Jubal, Sambag, at Omar”




Mga larawan mula sa Facebook at Instagram account ni Junell Hernando

“Buto, kalansay, tabi-tabi po sa *******. Lulubog, lilitaw, sasara ang hukay.”

Kung pamilyar ka at inawit mo rin ang chant na iyan, malamang isa ka sa mga nakapanood ng pelikulang Magic Temple na pinagbidahan ng tatlong teen stars noon na sina Jason Salcedo bilang Jubal, Junell Hernando bilang Sambag, at Marc Solis bilang Omar, sa direksyon at panulat nina Peque Gallaga, Lore Reyes, at Erik Matti, sa ilalim ng Star Cinema.

Ang pelikulang Magic Temple ay family-fantasy-adventure film na ipinalabas sa mga sinehan noong 1996 bilang kalahok sa Metro Manila Film Festival tuwing Kapaskuhan. Nakatanggap ito ng mga parangal bilang Best Picture sa naturang MMFF; idagdag pa ang mga pagkilala mula sa FAMAS at Gawad Urian.

rewatching #alltimefavorite #magictemple #batang90s #jubal #sambag #omar

A post shared by NAM (@xkithx) on

Makalipas ang halos dalawang dekada, marami sa “mga batang 90’s” ang nagtatanong kung nasaan na nga ba sina ‘Jubal’ at ‘Sambag’? Si ‘Omar’ kasi (Marc Solis) ay madalas na napapanood bilang isa sa mga pulis sa FPJ’s Ang Probinsyano.

Pages ( 1 of 4 ):
1
234Next Page Β»