Throwback! Lolo’t lola game na game na nakipagpatintero sa mga bata




Image capture from Batang Pinoy - Ngayon at Noon video via Facebook

Thumbs up batang 80’s! Kaway-kaway naman mga batang 90’s!

Dota, mobile legends, at iba pang mga online games ang madalas na kinahuhumalingan ng mga kabataan ngayon. Ni hindi ka man lang pagpapawisan sa ganitong laro dahil sa mahabang oras na nakaupo at nakatutok lamang sa monitor.

Ni minsan kaya’y nakapaglaro sila ng mga laro ng ating lahi? Halimbawa na lamang ng larong patintero.

Nag-viral ngayon sa social media ang video ng patintero ng mga senior citizens sa mga bata na tila kanilang apo.

Sa Facebook post ng Batang Pinoy – Ngayon at Noon, ibinahagi nito ang video ng pakikipaglaro ng lolo at lola sa mga bata.

Sa video mapanonood na game na game sila sa pakikipaglaro sa mga ito. Animo’y nasa kabataang edad kung makipagsabayan sa mga bata.

Si Lola na partida pa’t naka-duster lamang ay may kaliksihan pa sa pagkilos. Si Lolo naman na tila may rayuma na ay pilit na humahabol sa kanyang tatayain.

Nakatutuwang makita ang mga ganitong pagkakataon dahil isang paraan din ito upang mapanatili ang ating kulturang Pinoy.

Magdaan man ang maraming henerasyon ay mananatiling laro pa rin ito ng ating lahi.

Source :

Facebook