Throwback: Larawan ng batang Nadine kasama ang kanyang tiyahin




Mga imahe mula sa Instagram accounts na @alyodraa at @nadine

Ibinahagi ng isang fan ang larawan ng cute na cute na batang Nadine Lustre kasama ang kanyang tiyahin.

Sa Instagram, ini-upload ng user na si @alyodraa ang throwback photo ng other half ng popular na tambalang Jadine at ng “Tita Nona” nito.

“Little Naddie and Tita Nona,” wika ng fan sa caption na nakuha niya mismo sa tiyahin ni Nadine.

Kinagiliwan ito ng maraming Instagram user dahil kahit pa walang makeup at bata pa lamang ay kitang-kita na ang kagandahan ng aktres.

“So cute beautiful little Nadine,” kumento ni @marifesalise.

“Ang cute! ‘Yung mata n’ya talaga, e. Parang Barbie,” ani @kaprelovedph.

“Walang makeup ‘yan!” ani @egpvirgo1942.