Throwback: Butterfly clip, nagdala ng nostalgia sa social media




Imahe mula sa Facebook page na Batang Pinoy - Ngayon at Noon.

Hindi naiwasan ng napakaraming Facebook users na makaramdam ng nostalgia matapos may mag-post ng usong-uso noon sa mga kababaihan na butterfly clips.

Sa Facebook, ibinahagi ng Batang Pinoy – Ngayon at Noon. ang larawan ng isang kulay pulang butterfly clip na tadtad ng glitters.

“Nakiuso ka rin ba, kadekada?” tanong ng page sa caption ng larawan.

Mahigit 1,700 na komento ang nakuha ng post. Marami sa mga nag-comment ang nagbahagi ng mga nakatatawa at nakatutuwang alaala na nakakabit sa clips.

“Hala. Hahahahah. Ang makinang na butterfly. Paborito ko to. Meron ako nito nung elementary ako kaso ninakaw ng bestfriend ko. Sabi ko pa sa kanya, nakita mo ba ung butterfly ko? Sabi n’ya hindi pero nakatakip ung kamay nya sa may bandang taas ng ulo nya. Ta’s sabay takbo. Ga** hahaha. If ever mabasa mo ‘to, peace. Wala na ‘yun. Naalala ko lang. Hahaha,” ani MC.

“Madami ako nito noong elementary pa lang ako. Natutuwa ako kasi ‘pag gumagalaw ulo mo sumasabay din ‘yung pakpak niya. Kaya ginagawa ko na lang palagi akong lumilingon kahit saan para lang ma-feel ko ‘yung paggalaw niya. Kulang na lang mag-headbang ako. Haha na-miss ko ‘to,” kuwento ni MB.

“Hindi ko ‘to makakalimutan talaga. Grade 2 ako noon, inilaban ako ng teacher ko sa Bayan for Math Quiz Bee. Tapos pag-uwi dumaan kami sa palengke. May pocket money naman ako noon. Tapos may nakita akong ganito. Tinanong ko yung tindero magkano. Sabi niya kinse daw. Ang mahal kasi dati malaki pa value no’n. Ako naman si shunga ‘di marunong tumawad noon at natatakot akong ‘di bilhin kasi nagtanong na ako. Ayon napilitan na lang ako. Hanggang ngayon hinahanap ko pa rin ang tinderong nanamantala ng aking kamusmusan. Ahahaha,” pagbabahagi ni ZS.

“Naalala ko ‘to. Pangarap ko talaga ‘to noon. Wala kasi kami pera kaya kahit gan’yang ipit ‘di ako mabilihan ni Mama. Pero ayos lang, ang importante noon nakakapag-aral ako. At nakatapos ako kaya masaya pa rin,” ani MG.

“My daughter has it when she’s still a cute little one, ang ganda and in different colors. And until now I have a piece for keeps,” komento ni VA.

As of posting, nakakuha na ng mahigit 13,800 shares at lampas 21,000 reactions ang larawan.

Source :

Facebook