Sharon, ibinahagi ang dahilan kung bakit mahal na mahal niya si Angel




Mga imahe mula sa Instagram accounts nina @therealangellocsin at @reallysharoncuneta

Ibinahagi ng Megastar na si Sharon Cuneta ang dahilan kung bakit mahal na mahal niya ang Kapuso-turned-Kapamilya actress na si Angel Locsin.

Sa Instagram, ibinahagi ni Cuneta na kagagaling lamang niya sa operasyon.

Please swipe left.

A post shared by Coach:TheVoice.phActorSinger (@reallysharoncuneta) on

Agad naman na nag-iwan ng mensahe si Locsin.

“Get well soon, Ms. Mega Star,” wika niya.

Untitled

Dito na ibinahagi ni Cuneta kung bakit labis ang pagmamahal niya kay Locsin.

“Thank you, my darling Angel. Never kita kakalimutan at paano kita ‘di mamahalin? Sa laki ng ABS (ABS-CBN), ‘pag nalaman mong nando’n ako, hahanapin at magpapagod ka pang puntahan ako para lang mag-‘hi’,” aniya.

“Sobrang respect at love ang never nagbagong pinapakita mo sa akin mula pa nung si Darna ka at kapuso. I love you. Thanks for always making me feel loved. Especially now when I need it,” sabi pa ng beteranang aktres.

Untitled

Source :

Instagram