Sanya, sinabihan noon na walang karapatang maging isa sa Encantadia lead stars




Mga imahe mula sa Instagram account ng Encantadia

Ibinahagi ng aktres na si Sanya Lopez ang ilan sa mga masasakit na komentong natanggap niya noon matapos niyang makuha ang role ng isa sa mga bida sa Encantadia na si Danaya.

Sa Instagram, sinabi ni Lopez na nasabihan pa siya noon na wala siyang karapatang lumebel sa ibang mga bida ng telefantasya.

“There was a time during Encantadia days when I received comments that ‘Sanya is just a newbie and she has no right to be in the level of the other leads.’ Na baka masapawan lang ako sa acting at ‘di ko mapantayan ang pagganap ni Ate Diana Zubiri as Danaya no’ng past Encantadia,” pagbabahagi niya.

Aminado ang aktres na nasasaktan talaga siya sa mga komentong ito noong una dahil pinaghirapan daw talaga niya na makuha ang nasabing role.

“Masakit din po s’yempre para sa ‘kin. I feel sad about it lalo na’t pinaghirapan ko talaga na makuha ‘yung role ni Danaya,” wika niya.

Ngunit sa kalaunan, naisip niya na maaaring makatulong sa kanya ang mga negatibong komento.

“But later on I took it constructively. Pinakinggan ko pa rin ang mga comments, baka may point nga sila. Which I realized tama naman po sila, I haven’t proven anything yet. Pero pinagbutihan ko na lang sa lahat ng ginagawa ko. Importante naman po wala kang inaapakan at inaagrabyadong tao,” aniya.

Sa huli, pinasalamatan ng aktres ang lahat ng nagmahal at sumuporta sa kanya.

There was a time during Encantadia days when I received comments that “Sanya is just a newbie and she has no right to be in the level of the other leads”. Na baka masapawan lang ako sa acting at di ko mapantayan ang pagganap ni ate Diana Zubiri as danaya nung past encantadia. Masakit din po syempre para sakin. I feel sad about it lalo na pinaghirapan ko talaga na makuha yung role ni Danaya. But later on I took it constructively. Pinakinggan ko pa rin ang mga comments,baka may point nga sila. Which I realize tama naman po sila, I haven’t proven anything yet. Pero pinag butihan ko nalang sa lahat ng ginagawa ko. Importante naman po wala kang inaapakan at inaagrabyadong tao. 🙂 My manager, all my supporters SanyaWarriors helped me and inspires me. My manager gave me advice on how to handle bashers. Yung mga sumusuporta sakin, sila yung nasasaktan para sakin, pero sinasabi ko nalang na hayaan nalang natin sila. And most of all I’m always thankful that I have my family who always love me and believe in me. #OPPOF7 #CaptureTheRealYou

A post shared by Sanya Lopez (@sanyalopez) on

Narito ang isa sa mga eksena kung saan hinangaan ng marami ang husay ni Lopez sa pag-arte: