Pokwang, nag-post ng ‘Then and Now’ photo; nagpasalamat sa Diyos at nakaluwag na sa buhay




Mga imahe mula sa Instagram account ni @itspokwang27

Sa pamamagitan ng pagbabahagi ng isang pares ng “Then and Now” photos, ipinahayag ng komedyanteng si Pokwang ang pasasalamat niya sa Diyos dahil sa wakas ay medyo guminhawa na ang kanyang buhay.

Sa Instagram, nag-post si Pokwang ng Then and Now photos ng ilang mga kilalang aktres katulad ni Liza Soberano ng LizQuen, Kathryn Bernardo ng Kathniel, at Nadine Lustre ng Jadine.

Juice ko lord kung pang huli!!! Hahahahahaha akalain mo???? Thank you lord naka luwag luwag din sa buhay ❤️🙏🏼😂

A post shared by Mayette (@itspokwang27) on

Ang pinakahuling larawan sa set of photos ay ang mismong Then and Now photo niya.

“Juice ko lord ‘yung panghuli! Hahahahahaha akalain mo? Thank you, Lord, nakaluwag-luwag din sa buhay,” saad niya sa caption.

Imahe mula sa Instagram account ni @itspokwang27
Imahe mula sa Instagram account ni @itspokwang27

As of posting, nakakuha na ng mahigit 52,000 favorites ang nasabing set of photos.

Source :

Instagram