Pagsasanay ng mga pulis planong ipahawak sa SAF  




Image capture from Oscar Albayalde Facebook account/Victoria Tulad

Nais ni incoming Philippine National Police (PNP) chief Director Oscar Albayalde  na ang Special Action Force (SAF) ang humawak ng pagsasanay ng mga pulis.

Kung puwedeng i-handle ito ng SAF mas maganda, but then we need a bigger facility and better facility,” ani Albayalde.

Ayon sa ulat ng GMA, iminungkahi ni Albayalde na magkaroon ng isang paaralan na mag-standardize ng mga pagsasanay ng mga kapulisan dahil batid ng NCRPO chief ang disiplina dahil noo’y isa siyang SAF.

Kung pwede nga we would like to create one big school para ma-standardize ‘yung aming training, dahil ako nanggaling ako sa Special Action Force. I stayed there for five years sa SAF so nakita ko na iba naman talaga ‘yung pag-uugali, ‘yung training, ‘yung skills, ‘yung discipline ng ating mga pulis na naka-assign sa SAF even before during our PC (Philippine Constabulary) days,” ani Albayalde.

I think itong advocacy natin, we share the same advocacy with our SILG (Secretary of the Interior and Local Government) even with chief Bato, kailangan natin siguro ma-improve and we’ll have a standard training for all PNP recruits,” dagdag pa nito.

Matatandaan nitong Abril 5 ay inanunsiyo ni Pangulong Rodrigo Duterte na si Albayalde na ang papalit kay  Ronald “Bato” Dela Rosa bilang PNP chief.

Albayalde is the man for you. The stricter, the better,” ani Duterte.

Si Albayalde ay nakatakdang manumpa sa Abril 19.  Nakatakda naman siyang magretiro sa Nobyembre 8, 2019.

Source :

GMA, Balita DF, Abante