North at South Korean leaders, nagkasundong wakasan na ang matagal nang hidwaan sa pagitan ng dalawang bansa

Kuhang larawan mula sa Korea Summit Press Pool

Isa na namang makasaysayang pagkakataon ang naganap matapos tuldukan nang tuluyan nina North Korean leader Kim Jong Un at South Korean president Moon Jae-in ang napakahabang panahon ng hidwaan at digmaan sa pagitan ng dalawang Korean peninsula.

Sa simbolikong pagdadaupang-palad o hand shake na isinagawa noong Biyernes, Abril 27, 2018 sa Military Demarcation Line ng dalawang bansa, malinaw ang kasunduan ng kapayapaan sa pagitan ng North Korea at South Korea na wala nang anumang banta ng paggamit at testing ng nuclear, batay sa pinirmahan nilang kasunduan na tinatawag na Panmunjom Declaration for Peace, Prosperity and Unification on the Korean Peninsula.

Kuhang larawan mula sa Korea Summit Press Pool
Kuhang larawan mula sa Korea Summit Press Pool

Matapos ang paglagda sa mga naturang dokumento, nagyakap nang may ngiti sa mga labi ang dalawang pinuno sa harap ng international media.

65 taong nagkaroon ng hidwaan sa pagitan ng North at South Korea na ngayon lamang natuldukan.

Matapos ang naturang lagdaan, nagsalo ang dalawang pinuno sa isang dinner kasama ang kani-kanilang mga kabiyak.