Michael V personal na iniabot ang mga likhang ‘sketch’  sa mga iniidolong ‘Avengers’ stars




Image capture from Michael V Instagram account

Naging karaniwang fan boy ang Kapuso comedian na si Michael V. nang makita ang kanyang idolong Hollywood actors  sa presscon ng “Avengers: Infinity War” na ginanap sa Singapore.

Ayon sa ulat ng ABS CBN,  present umano  sa  naturang presscon si Joe Russo, isa sa mga direktor ng pelikula, at mga bigating cast na sina Benedict Cumberbatch, na gumanap bilang si Doctor Strange; Karen Gillan, aka Nebula; at ang Iron Man na si Robert Downey Jr.

Labis umano ang pasasalamat ni Downey sa kanilang mga fans at sinabing excited din ang cast lalo na sa magiging wakas ng ‘Avengers’.

We might be making the movies, but we’re fans more also, critics of our own works, and we always try to make it better but I think this time we might nail it,” ani Downey.

Labis din ang pasasalamat ni  Cumberbatch na makasama sa cast ng pelikula.

Dahil  isang ultimate marvel fan si Michael V,  ibinigay nito kina Cumberbatch at Gillan ang mga nilikha niyang sketches ng mga character ng dalawa.

Done with the interviews!!! 😅 Too excited to finish #BitoyStory 008 para mai-share ko ‘yung experience! #AvengersPH #AvengersInfinityWar

A post shared by Michael V. 🇵🇭 (@michaelbitoy) on

Personal ding naiabot ni Michael V ang kanyang sketch kay Downey na inabangan niya sa red carpet upang siya’y mapansin ng kanyang pinaka-idol sa mga Avenger.