Lani sa kaarawang wala si Bong: Minsan lang mag-50, nakalulungkot na ‘di ko siya kasama




Mga imahe mula sa Facebook page ng City Government of Bacoor at FB account ni Bong Revilla Jr.

Ipinagdiwang ng Lungsod ng Bacoor ang ika-50 na kaarawan ng alkalde nito na si Lani Mercado.

Sa Facebook page ng City Government of Bacoor, ibinahagi ang mga larawan ng mga hinahangaan at iginagalang na personalidad na nagtanghal sa espesyal na araw ni Mercado, kabilang na sina Vice Ganda, Gabby Concepcion, Randy Santiago, at Senadora Grace Poe.

Untitled (Recovered)

Untitled (Recovered)

Napakarami ring mamamayan ng Bacoor na nakisaya sa selebrasyon.

Imahe mula sa Facebook page ng City Government of Bacoor
Imahe mula sa Facebook page ng City Government of Bacoor

Ngunit sa kabila ng masayang pagdiriwang, hindi pa rin naiwasan ng opisyal na malungkot dahil wala sa tabi niya ang kanyang kabiyak na si Bong Revilla, Jr. Hanggang ngayon ay nasa piitan pa rin ang kanyang asawa.

Ayon sa PEP, nalungkot si Mercado sa katotohanan na minsan lamang sa buhay niya na magdiwang ng ika-50 na kaarawan ngunit hindi man lang niya nakapiling ang kanyang asawa.

“Minsan lang naman tayo mag-50, e. Nakakalungkot lang na hindi mo kasama ang kabiyak mo,” aniya.