Kim Jong- Un, inanunsiyo na ititigil na ng North Korea ang nuclear testing




Imahe mula sa KCRA

Tuluyan na umanong ipinatigil ni North Korean leader Kim Jong-Un ang pagsasagawa ng mga nuclear testing na matagal na ring kinokontra ng ibang bansa.

Inanunsiyo rin ni Kim Jong-Un ang pagpapasara ng kanilang mga nuclear testing sites.

“From April 21, North Korea will stop nuclear tests and launches of intercontinental ballistic missiles,” ayon sa ulat ng Korean Central News Agency.

[Mula sa ika-21 ng Abril ay ititigil na ang nuclear tests at ang paglulunsad ng intercontinental ballistic missiles]

Ayon sa ulat ng Bloomberg, hindi na umano kailangan ng North Korea na ipagpatuloy pa ang mga nuclear testing o intercontinental ballistic missile tests dahil nakumpleto na ang pag-develop ng kanilang armas nukleyar.

Ang anunsiyo ay ginawa ng North Korean leader isang linggo bago ang nakatakdang pagpupulong nila ng lider ng South Korea na si Moon Jae-In at ang pinakaaabangang makasaysayang pag-uusap ni Kim at United States President Donald Trump.

Ayon kay Trump, isa umanong magandang balita para sa North Korea at sa daigdig ang pagpapatigil ng nuclear tests.