Kahit nakakulong, Bong may espesyal na mensahe sa asawang si Lani




Mga imahe mula sa Facebook accounts nina Bong Revilla Jr. at Lani Mercado Revilla

Hindi naging hadlang ang rehas upang maipadama ng dating senador na si Bong Revilla ang pagmamahal niya sa kabiyak na si Bacoor Mayor Lani Mercado.

Sa Facebook, ibinahagi ni Revilla ang mensahe niya para kay Mercado na nagdiwang ng ika-50 karawan noong Biyernes, Abril 13.

Sinimulan ni Revilla ang mensahe sa pamamagitan ng isang berso mula sa Bibliya: “Every good and perfect gift is from above, coming down from the Father of the heavenly lights.” (James 1:17 NIV)

Saka niya ipinahayag ang nais niyang iparating sa kanyang maybahay.

“Today marks another year of being blessed with God’s perfect gift. Isang taon na naman ng biyaya na makasama ka sa aking buhay bilang sandigan at inspirasyon. Isang taon ng pagmamahal, pagmamalasakit at pag-aaruga hindi lang sa akin, kun’di sa ating pamilya at sa mga kababayan natin sa Bacoor,” aniya.

Sa Mercado raw ang itinututing niyang perpektong regalo mula sa Panginoon.

“You are God’s perfect gift to me, Mama, and I could not be more blessed than to have you. Patuloy ka sanang biyayaan ng lakas at kalusugan ng katawan, at pusong nagmamalasakit. May you continue to fulfill the roles God has given you. I love you, Mama. Happy happy birthday!” wika ng dating aktor.

Source :

Facebook