Joshua at Julia, nagpasaring sa mga bashers?




Mga imahe mula sa Instagram account ni @garciajoshuae

Nagpasaring ba sa bashers ang onscreen partners at rumored lovers na sina Joshua Garcia at Julia Barretto?

Sa Twitter, may mga makahulugang tweet sina Garcia at Barretto.

“Ano’ng alam nila tungkol satin na hindi natin alam tungkol sa ‘tin? @BarrettoJulia,” tweet ng aktor sa other half ng popular na tambalang JoshLia.

Ni-retweet naman ni Barretto ang nasabing tweet at sinabing, “I also don’t know, Baba.”

Kamakailan ay umingay ang balita tungkol sa pagpapadala umano ni Garcia ng mensahe sa isang Instagram user na babae.

Ito ang dahilan kaya inakala ng fans na may problema sa relasyon ng dalawa. May mga nam-bash at nag-iwan din ng mga negatibong kumento sa tambalan, lalo na sa aktor.

Ngunit dahil sa tweet ng dalawa, natuwa ang mga fans ng JoshLia at waring nakampante rin para sa mga minamahal nilang idolo.

Source :

Twitter, Twitter, KDN