Jak, ibinuking kung gaano katagal kinuhanan ang profile picture ni Sanya




Mga imahe mula sa Instagram accounts nina @sanyalopez at @jakroberto

Ibinuking ng aktor na si Jak Roberto kung gaano katagal kinuhanan ang profile picture ng kapatid niya na si Sanya Lopez.

Sa Instagram, ini-upload ni Sanya Lopez ang profile picture niya. Kuha ang larawan sa isang recent summer getaway.

A post shared by Sanya Lopez (@sanyalopez) on

Nag-comment sa nasabing larawan si Roberto.

“Ang tagal niya pong kinunan n’yan, mga 132 shots. Hayyyy,” aniya.

“Bida-bida,” sabi pa niya sa isang separate comment.

Untitled

Marami ang natawa sa ginawang pambubuking ni Roberto kay Lopez.

“Hahaha kulit ng mga comment mo, @jakroberto,” ani @_paulineee26.

“@jakroberto pasaway hahahaha,” kumento ni @its.ailynadina.

“@jakroberto hahahaha pagpasensyahan mo na daw po si bunso, Kuya, haha,” sabi ni @sunshine_jml.

Dahil dito, binansagan siyang “Bully Kuya”.

Source :

Instagram