IG users, namangha sa ganda ng modelong kamukha ni Liza




Mga imahe mula sa Instagram accounts na @berta at @lizasoberano

Namangha ang maraming Instagram users matapos makakita ng isang modelo na kamukha ng aktres na si Liza Soberano.

Sa post ng @berta, ibinahagi nito ang larawan ng isang modelo na suot ang isa sa mga gown na ipinagbibili nito.

“The masterpiece #BERTA evening line. Exclusively available in the US at @berta.nyc,” saad ng caption ng larawan.

Kung hindi lamang dahil sa may kapayatan ito kumpara kay Soberano ay malilito ka talaga at mapagkakamalan mo itong kamukha ng other half ng popular na tambalang LizQuen.

Sa katunayan, may ilan na rin na nag-akalang ito mismo si Soberano.

Marami na ang nagtanong sa page kung sino ba talaga ang modelong may suot ng creation ng Berta ngunit hindi pa rin tumutugon ang Instagram account nito.