Hiling ni Julia sa Joshlia at LoiShua fans: Stop pitting women against each other




Mga imahe mula sa Instagram accounts nina @garciajoshuae at @loisafanat

Sa gitna ng tunggalian sa pagitan ng fans ng Joshlia (Joshua Garcia at Julia Barretto love team) at LoiShua (Joshua Garcia at Loisa Andalio love team), hiniling ng aktres na si Julia Barretto na tigilan na sana at huwag pag-awayin ang dalawang tao na wala naman talagang problema sa isa’t isa.

Sa Twitter, nagsimula ang pag-aaway ng mga fans pagkatapos i-retweet ni Barretto ang post na nagsasabing, “Ang kay Julia ay kay Julia.”

Nagalit ang LoiShua sa pag-aakalang pinatatamaan ni Barretto si Andalio.

Untitled (Recovered)

Ngunit nilinaw ni Barretto sa kalaunan na ang tinutukoy niya ay ang rumors tungkol sa kanila ni Garcia.

Matatandaang kamakailan ay umingay ang balita tungkol sa pagpapadala umano ni Garcia ng mensahe sa isang Instagram user na babae.

Sa isang separate tweet, binigyang-diin ni Barretto na hindi magandang pinag-aaway ang dalawang babae kaya sana ay tumigil na ang mga pang-iintriga.