Hello batang ‘90s! Netizens nag-throwback sa larawan ng Video City




Image capture from Batang Pinoy- Noon at Ngayon Facebook account

Bago pa man naging madali ang pagda-download ng mga pelikula ngayon, may mga paraan noon upang tayo’y makapanood ng mga magagandang pelikula mapa-lokal man o banyaga.

Naging sikat noon ang Video City na arkilahan ng mga CD, VHS at may betamax na rin na talaga namang dinarayo ng mga parokyano nito mapanood lamang ang mga pelikulang ninanais nila.

Sa Facebook post ng Batang Pinoy- Noon at Ngayon, nagbalik-tanaw sila gamit ang larawan ng Video City na naging patok noong dekada ’90.

Hello, batang ‘90s!

Kaya naman hindi naiwasan ng mga netizens na magbahagi ng kanilang mga naging karanasan sa pag-aarkila sa Video City.

VHS at CD tape. Madalas ako mghintay ng magsosoli ng tape lalo pag bgo un movie. Madalas dn ako mgpenalty ng 2 tape kc ttapusin ko muna un 2 movies pra sabay-sabay ng masoli pra menos s pamasahe hahaha. Pg bday ko, me libre ako 2 movies tpos me libre k rn kng malakas kng mgrent. Post p nla un top 10. Hay, sayang at nawala n cla…minsan nasalubong ko un isang manager nun sarado n cla. Ask ko kng san cla lumipat, close n rw cla kc humina n business kc mula nun mauso ang pirated.”

“Hahaha! Yung walang wala kana pera bago pag napadaan ka jan hindi pwede hindi ka papasok at magrerent ng bala. Kakamiss din.”

Ang mga ipon ko naubos ng dahil sa pag rent ng tape.lagi aq nagtitipid pag pasuk sa school pamasahi lang bawas sa baun q para lang marentahan q ang bagong tape na gusto.”

Talaga namang kay sarap balikan ang nakaraan!

Taong  2002 ay may mahigit pang  300 branch ang Video City at ngayon ay halos ilan na lamang ang bilang nito dahil sa paglaganap ng piratang CD.

Aba at naging kompetensiya rin ng Video City ang ACA Video noon! Nakakatuwa balikan ano?