Babaeng na-link kay Joshua, nagbigay-linaw na sa isyu




Mga imahe mula sa Instagram account ni @garciajoshuae at Twitter account ni @danerhea

Isa sa mga trending na usapin sa ngayon ang pagsasalita ng social media user na si Dane Rhea; ang babaeng pinadalhan ng mensahe ng aktor na si Joshua Garcia sa Instagram at naging dahilan ng problema nila ng rumored girlfriend na si Julia Barretto.

Noong Marso 12, ibinahagi ni Dane ang screenshot ng maikling mensahe sa kanya ng aktor.

Pagkatapos nito ay kabi-kabilang pamba-bash umano ang natanggap niya. Dahil dito, napilitan siyang maglabas ng maikling statement sa pamamagitan ng Twitter.

Untitled (Recovered)

At matapos ang panayam kay Joshua sa Tonight With Boy Abunda noong Abril 10, kung saan naging emosyonal ang aktor, nagsalita si Dane at inamin na kabi-kabilaang pamba-bash na naman ang inabot niya.

Muli niya ring binigyang-diin na “Josh is for Juls.”

Number 28 naman sa listahan ng trending videos, as of posting, ang video na ini-upload ng Starbites Philippines sa YouTube.

Narito ang panayam kay Joshua sa Tonight With Boy Abunda: