“Ah, [animal] cruelty ba ‘yan?” Motorista sinita ang isang van na may tuta sa bubungan nito




Image capture from PhilStar video via Facebook

Isang nagmalasakit na motorista ang nanita sa isang van driver makaraang maglagay ito ng alagang tuta sa bubungan ng sasakyan na nakahawla pa.

Sa Facebook video ni Toffer Briones, sa pamamagitan ng PhilStar, ay ibinahagi nito ang video ng paninita sa isang umaandar na van habang ang alagang tuta ay nasa bubungan nito.

Sa video, pinababa ng motorista sa babaeng nakasakay sa van ang tutang nasa bubong ng van. Sinabi ng lalaki na bawal ang ginawa nitong paglalagay ng tuta sa bubong ng van.

Ayon sa babae: “Ah, [animal] cruelty ba ‘yan? Hindi namin alam.”

Tugon ng lalaki: “Opo, now you know.”

Iginiit ng lalaki sa babae na ito’y ‘ animal cruelty’ kung kaya’t hindi niya ito tinantanan hanggang sa ibaba ng babae ang tuta mula sa itaas ng van.

Positibo namang tumugon ang babae at ibinaba nito ang nasabing tuta.

Sa ilalim ng REPUBLIC ACT NO. 8485 o Animal Welfare Act of 1998, maituturing na pagpapabaya sa kanilang alaga ang ginawa ng may-ari ng van.