‘Alay Kay Kuya Germs’: That’s Entertainment members, muling magsasama-sama




Imahe mula sa Instagram account ni @akosiigan

Mapapanood ang ilang miyembro ng That’s Entertainment sa selebrasyon ng ikawalong anibersaryo ng Tonight With Arnold Clavio.

Sa Instagram, inimbitahan ng host na si Arnold Clavio ang mga tao na manood ng nasabing episode.

“Watch our 8th Anniversary Special @twacofficial The reunion of some members of That’s Entertainment @kimpster888 @therealaramina @realdonitarose @officialnadiam @isko_moreno o @chuckiedreyfus @sharms7 @jojoalejar #thatsentertainment @gmanews @gmanetwork #alaykaykuyagerms,” saad ni Clavio sa caption ng larawan.

Ibinahagi rin ng dating miyembro ng That’s Entertainment na si Chuckie Dreyfus sa kanyang vlog ang behind-the-scenes ng kanilang taping para sa nasabing episode.

Makakasama ni Dreyfus sina Sharmaine Arnaiz, Keempee De Leon, Isko Moreno, Donita Rose, Jojo Alejar, Nadia Montenegro at Ara Mina.

Itinuturing umano nila itong mini reunion dahil matagal na rin silang hindi nagkikita-kita.

“Excited ako…. Sabi ko 20 years na yata tayong hindi nagkikita lahat,” saad ni Alejar.

Featured din sa episode ang ilang ’80s memorabilia gaya ng beeper, cassette player, at betamax.

Ipalalabas ang eighth anniversary special ng Tonight With Arnold Clavio sa April 4 at April 11, 10:15 p.m. sa GMA News TV.

Panoorin ang vlog ni Dreyfus: