2 sang’gre ng Encantadia, nag-reunion




Mga imahe mula sa Instagram accounts ng @gmaencantadia at @sanyalopez

Nagkaroon ng reunion ang dalawang sang’gre ng Encantadia na sina Danaya at Amihan.

Sa Instagram, ibinahagi ng aktres na si Sanya Lopez na gumanap bilang Danaya ang larawan nila ng Encantadia co-star niya na si Kylie Padilla na siya namang naging Amihan.

“Danaya x Amihan. I miss you, aking Apwe,” saad ng caption ng larawan na ibinahagi ni Lopez.

Danaya⚔️Amihan Imissü aking Apwe.. 🤗♥️

A post shared by Sanya Lopez (@sanyalopez) on

Sa Coron, Palawan nagkasama muli ang dalawang aktres na noon pa man ay malapit na talaga sa isa’t isa.

Matatandaang maagang nawala sa telefantasya si Padilla dahil kinailangan niyang huminto sa pagtatrabaho noong nagdalantao siya sa panganay nila ng aktor na si Aljur Abrenica.

Pinaslang ang karakter ni Padilla sa nasabing palabas.

Narito ang tagpo kung saan napaslang ang karakter na ginagampanan ni Padilla sa Encantadia: