Tirso kay Alden: Totoo pala ang sabi nila, isa siyang mahusay na actor, mabait at magalang




Mga imahe mula sa Instagram accounts na @tirsocruziii at @aldenrichards02

Nakatrabaho ng beteranong aktor na si Tirso Cruz III si Alden Richards sa Lenten Special ng Eat Bulaga at puring-puri nito ang other half ng popular love team na AlDub.

Ayon sa Balita.Net, ikinuwento ni Cruz ang tungkol sa unang beses na naging katrabaho niya si Richards.

“Ngayon ko lang nakasama si Alden at totoo pala ang sabi nila, isa siyang mahusay na actor. Nag-enjoy akong kasama siya at magkausap kami during breaktime. Nalaman ko ring nakasama pala niya ang mga anak kong sina Bodie at Djanin sa ilang shows nila sa GMA at kahit sa gym ay nagkakasama sila dahil pareho kaming nasa South. Mabait siya at magalang.”

All alone in my dressing room here at ASAP. Waiting for our production number.

A post shared by Pip Silvano Cruz (@tirsocruziii) on

Nagpapasalamat din daw si Richards na nabigyan siya ng pagkakataong makatrabaho ang batikang aktor. May mga natutunan daw siya rito na makatutulong talaga sa kanya.

🤓

A post shared by Alden Richards (@aldenrichards02) on

Narito ang ulat na naglalaman din ng pagbabahagi ni Richards tungkol sa Lenten Special na ginawa nila ni Cruz: