Throwback! Pormahang 90’s kinaaliwan ngayon ng mga netizens




Image capture from Batang Pinoy – Noon at Ngayon Facebook account

Bago pa man mauso ang pagiging hip hop, conyo, pagsusuot ng slim fit pants at iba pang makabagong anyo ng pormahan ay nauna nang namayagpag ang pormahang 90’s.

Ito ‘yung pormahan na mala-drum sa luwag ang pantalon at maaaring maluwag o fit ang suot mong damit pang-itaas.

Kinaaliwan ngayon ang Facebook post ng Batang Pinoy – Noon at Ngayon, sa pag-thowback nito ng larawan ng pormahang 90’s.

Sa larawan ginunita nito ang estilo ng pananamit noong dekada 90 kung saan maraming mga netizens ang naka-relate sa naturang larawan.

Marami ring mga netizens ang nagbahagi ng kanilang mga karanasan sa pagsusuot nito at may mga natatawa rin dahil nai-imagine nila ang kanilang itsura sa oras na ito’y isuot nila ngayon.

Kaaliw, ‘di ba?

Ang ganitong kasuotan ay halos sumikat na rin noong dekada ’70 at ’80. Ang pantalon ay tinawag na bell bottom pants.

Image capture from Etsy
Image capture from Etsy
Image capture from Pinterest
Image capture from Pinterest
Source :

Facebook