Throwback photo ni Marian, pruweba kung gaano niya kamukha si Zia




Mga imahe mula sa Instagram account na @dongyanzia_

Ibinahagi ng isang fan page ang lumang larawan ng Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera, kung saan makikita ang malaking pagkakahawig nila ng kanyang kaisa-isang anak na si Maria Letizia “Zia” Dantes.

Sa Instagram, ini-upload ng @dongyanzia_ ang litrato ni Marian noong halos ka-edad lamang nito ang dalawang taong gulang na si Zia.

Si Zia ay anak ni Marian sa kanyang kabiyak na si Kapuso Primetime King Dingdong Dantes.

Love you both! ❤️ #FelizNavidad 🎅🏻

A post shared by Marian Rivera Gracia Dantes (@marianrivera) on

Ipinanganak ang paslit noong ika-23 ng Nobyembre 2015, sa isang ospital sa Makati.

Sa caption ng kanyang Instagram post pagkatapos isilang si Zia, ipinahayag ni Marian kung gaano siya kasaya sa pagkumpleto ng bata sa kanyang pamilya.

“41 weeks akong nag hintay , 18 hrs na nag labor. Sa mga oras na iyon, hindi ko inaasahang makakaya ko ang lahat. Pero dahil andiyan ka sa tabi ko, sa iyo ako kumuha ng lakas. Salamat Mahal ko. @dongdantes. At sa araw nga na iyon ng Nov 23, tuluyan na talaga tayong naging kumpleto; kasama ng Panginoon, ikaw, ako, at siya- si Maria Letizia. Ngayon, masasabi ko na tayo’y isa nang ganap na pamilya, at ako’y isa nang ganap na ina. Napakasarap ng biyayang ito,” aniya.