ShaGab movie, matutuloy na kaya?




Imahe mula sa Instagram account ni @reallysharoncuneta

Pagkatapos mag-post ni Megastar Sharon Cuneta ng ilang larawang kuha sa meeting niya sa Star Cinema, nagsimula na namang umasa ang mga fans nila na matutuloy na ang kanilang reunion movie.

Sa Instagram, ibinahagi ni Cuneta ang ilang litrato mula sa nasabing pagkikita.

“Meeting at Star Cinema. Now,” wika niya sa caption.

Marami ang humula na ito na ang pinakahihintay nilang balik-tambalan ng dating magka-love team at mag-asawa.

“OMG! As in Oh My Gulay! Pustahan tayo Sharon-Gabby movie in the making na ‘to,” wika ni @superman_phoebecates1020.

“Sana naman ‘wag sayangin ang pagkakataon ’cause I’m sure blockbuster ulit ito first day P100 million agad ‘yan ‘pag Sharon-Gabby ah. Hahaha kasi ‘yung nasa abroad magpadala ng pera para makapanood ‘yung nandito sa Pinas,” ani @anangiwn.

“This is it pansit, ShaGab movie, na!” kumento ni @rose_tupaz_megaavidfan_tmu.

“Even I want Gabby for her next movie partner,” @sabi ni @ellajandee.

Meeting at Star Cinema. Now. đŸ˜‰

A post shared by Coach:TheVoice.phActorSinger (@reallysharoncuneta) on

Matutuloy na nga kaya? Abangan!

Source :

Instagram, Instagram, Instagram