Sa halip na ‘buwaya’, 10 endangered species ginawang logo ng Lacoste para sa kanilang ‘Save Our Species’ campaign




Image capture from @badestoutfits Twitter account

“Save our species”

Naglabas ng brand new range ng 10 polo shirts ang Lacoste ngunit sa pagkakataong ito ay hindi gamit ang kanilang logo na ‘buwaya’ kundi ang mga endangered species.

Ayon sa ulat ng Metro, tatlong taong ang partnership ng Lacoste sa International Union for Conservation of Nature (IUCN), at BETC Paris para sa limited edition na ito ng kilalang clothing company .

Bahagi ng “Save our Species” campaign ang 10 endangered species  na siyang gagamitin bilang logo ng limited edition na ito ng Lacoste.

Kabilang sa mga endangered species ang: Anegada ground iguana, Sumatran tiger, Saola, Kakapo parrots, Cao Vit gibbon, Javan rhino, Northern Sportive lemur, Burmese roofed turtle, at Vaquita.

Ang limited edition Lacoste tee shirts na nagawa kada species ay katumbas ng bilang na natitira nito sa wild.

Ang naturang damit ay nagkakahalaga ng £140 o P3,642 bawat  isa.

Sa website ng Lacoste, sinabi nitong sold out na ang mga limited edition na damit.

Samantala, maaari pa rin makatulong ang bawat isa sa atin sa mga endangered species sa pag-click sa Save Our Species website.