‘Pancit Saiyan!’ Mga imahe ng Dragon Ball Z characters sa noodles, nagdala ng nostalgia at pagkamangha




Mga imahe mula sa Facebook pages na Kami ang Batang 2K's at Dragon Ball Pics

Nagdala ng nostalgia at pagkamangha sa maraming Facebook users ang mga imahe ng Dragon Ball Z characters na malikhain at mabusising ginawa sa pamamagitan ng noodles.

Sa Facebook, ibinahagi ng “Kami ang Batang 2K’s” page ang larawan ng noodles na may imahe ng mga karakter na patok na patok lalo na noong 90s.

“Ano nakikita n’yo? Talasan mabuti ang mata. Ilan sila at sinu-sino?” saad sa caption ng litrato na ini-upload ng admin ng page na si EraserX.

Mabilis na nagsipagsagot ang mga Facebook user na inabutan at naging paborito ang Dragon Ball Z.

“Universe 7 fighters in Tournament of Power: (Left to right) Frieza, Android 18, Krillin, Android 17, Son Goku, Vegeta, Son Gohan, Master Roshi, Picollo, Tienshinhan,” wika ni OB.

“Dragon Ball! My favorite cartoon!” ani KQ.

“Freeza, Android 18, Krillin, Android 17, Son Goku, Vegeta, Son Gohan, Master Roshi, Picollo, Tenshinhan,” kumento ni X.

“Ang galing Dragon Ball!” sabi ni AB.

“Hahaha wow magic!” wika ni MA.

“Strongest noodles!” ani LV.

“Petmalu!” kumento ni AL.

Tinawag din ng mga panatiko ng palabas na “Pancit Saiyan” ang nasabing larawan.

Source :

Facebook