Megastar Sharon Cuneta, proud mom sa “mini me” youngest daughter dahil sa pagpayat nito




Mga larawan mula sa Instagram account ni Sharon Cuneta

Fitness and wellness— iyan ang target goals ng karamihan ngayon, mapa-sikat mang celebrity o karaniwang tao.

May ilang nagtutungo sa gym upang magbawas ng timbang at magpaganda ng katawan. May ilang sinusubukan ang iba’t ibang pamamaraan ng pagda-diet, at ang iba naman ay sariling ehersisyo at disiplina lamang sa katawan.

Isa sa mga sikat na celebrity na matiyaga at determinadong magpapayat ang nag-iisang Megastar na si Sharon Cuneta; bagay na makikita naman sa kanyang pigura ngayon, kung ihahambing sa mga dati niyang photos na isineshare sa kanyang Instagram account.

Kaya naman, proud na proud din ang Megastar na ipakita sa kanyang Instagram account ang pagbabawas ng timbang ng kanyang bunsong anak na babae na si Maria Daniella Sophia na mas kilala bilang Miel. Sa katunayan, si Miel ang itinuturing ni Sharon na “mini me.”

“OMG. My pride is overflowing… it’s taken this girl of mine 7 months from the time she was 12 until now that she is 13 to lose 35 lbs. on her doctor-supervised diet program! And she has just a teeny-tiny bit left na lang to lose. Wait for her. She’ll take your breath away when she comes out in public and performs! When? Secret pa..!!! πŸ˜ŠπŸ˜ŠπŸ˜ŠπŸ’–πŸ’–πŸ’–πŸ˜˜πŸ‘πŸ‘πŸ‘πŸ‘πŸ‘πŸ‘πŸ‘πŸ™πŸΌπŸ™πŸΌπŸ™πŸΌπŸŒΈπŸ™ŒπŸ™ŒπŸ˜πŸ˜˜πŸ€—πŸ’–πŸ’β˜€οΈβ˜€οΈβ˜€οΈβ˜€οΈ I am so proud of you, my Sophia!!! Way to go Yellie!!!!!!!!!!!!! Mama loves you soooooooo much!!!” wika ni Sharon sa kaniyang Instagram post ng larawan ni Miel.

OMG. My pride is overflowing… it’s taken this girl of mine 7 months from the time she was 12 until now that she is 13 to lose 35 lbs. on her doctor-supervised diet program! And she has just a teeny-tiny bit left na lang to lose. Wait for her. She’ll take your breath away when she comes out in public and performs! When? Secret pa..!!! πŸ˜ŠπŸ˜ŠπŸ˜ŠπŸ’–πŸ’–πŸ’–πŸ˜˜πŸ‘πŸ‘πŸ‘πŸ‘πŸ‘πŸ‘πŸ‘πŸ™πŸΌπŸ™πŸΌπŸ™πŸΌπŸŒΈπŸ™ŒπŸ™ŒπŸ˜πŸ˜˜πŸ€—πŸ’–πŸ’β˜€οΈβ˜€οΈβ˜€οΈβ˜€οΈ I am so proud of you, my Sophia!!! Way to go Yellie!!!!!!!!!!!!! Mama loves you soooooooo much!!!

A post shared by Coach:TheVoice.phActorSinger (@reallysharoncuneta) on

Congrats, Miel! Keep it up!