Malasakit sa gitna ng tag-init: Driver, naglagay ng mga pamaypay sa loob ng kanyang jeep para sa mga pasahero




Imahe mula sa Facebook account ni Ginny Pacia

Dahil sa labis na pagmamalasakit sa kanyang mga pasahero, nagsabit ng mga pamaypay sa loob ng kanyang minamanehong jeep ang isang driver sa Pampanga.

Sa Facebook, ini-upload ng isang FB user ang larawan ng loob ng jeep kung saan may mga nakasabit na pamaypay na tamang-tama lamang at kailangan talaga ngayong tag-init.

“Kakatuwa ang nasakyan naming jeep kanina na Angeles-San Fernando. Ready na for summer ang jeep ni manong driver. Kitang-kita ang concern niya sa mga pasahero,” wika ni Ginny Pacia sa caption ng kanyang post.

Sabi raw ng tsuper, naisipan niyang maglagay ng mga pamaypay sa loob dahil nagsimula nang maramdaman ang tag-init.

“Mainit na daw kaya naisip niyang maglagay ng pamaypay. Galing niyo po, kuya. Sayang di namin nakuha name niyo at plate number. God bless po!” dagdag pa ng nag-post.

Source :

Facebook