Joshua sa relasyon nila ni Julia: ‘Di kami basta-basta mapababagsak, ang dami na namin pinagdaanan




Mga imahe mula sa Instagram account ni @garciajoshuae

Going strong daw ang relasyon ng aktor na si Joshua Garcia at ng aktres na si Julia Barretto.

Ayon sa PEP, sinabi ni Garcia na napakarami na nilang pinagdaanan ni Barretto kaya masasabing matibay na rin ang kanilang samahan.

“Kasi sobrang lalim na ng pinagsamahan namin. Kilala namin ang isa’t isa,” aniya.

🇯🇵

A post shared by Joshua Garcia (@garciajoshuae) on

Nang tanungin kung paano nila nireresolba ang mga misunderstanding, sinabi ni Garcia na hindi sila basta-bastang masisira dahil kilala nila ang isa’t isa.

“Tulad ng sabi ko, kilala namin ang isa’t isa. Hindi kami basta-basta mapapabagsak,” nakangiting wika niya.

Pero salamat narin at nagtagpo. 🎶🎶🎶

A post shared by Julia Barretto (@juliabarretto) on

Kamakailan ay nalungkot ang fans ng popular na tambalang JoshLia nang mapansin nilang in-unfollow nina Garcia at Barretto ang isa’t isa. Kaagad din naman nilang finollow muli ang bawat isa.

Bagama’t wala pang statement ang dalawa tungkol dito, nauna nang nag-tweet si Barretto na mayroong gumagalaw ng Instagram account niya.