Jak, proud na proud sa Chika Minute stint ng GF na si Barbie




Mga imahe mula sa Instagram accounts nina @barbaraforteza at @jakroberto

Proud na proud ang Kapuso actor na si Jak Roberto sa Chika Minute stint ng kanyang girlfriend na si Barbie Forteza.

Sa Instagram story ni Roberto, ini-upload ng aktor ang larawan ni Forteza, na nag-ulat tungkol sa vacation plans ng reigning 2018 Philippine beauty queens.

“Napakahusay, @barbaraforteza!” aniya.

Untitledd

Sa ulat ni Forteza, ibinahagi niyang plano ni Binibining Pilipinas 2018 Catriona Gray na pumuntang Bohol kasama ang parents niya; balak ni  Binibining Pilipinas-International Ahtisa Manalo na umuwi ng probinsya para makasama ang kanyang pamilya; habang nais naman ni Binibining Pilipinas-Grand International Eva Psychee Patalinjug na magkaroon ng quality time kasama ang kanyang pamilya.

Narito ang video ng Chika Minute stint ni Forteza: