Jak, kinilig nang maihalintulad sa ama ng GF na si Barbie




Imahe mula sa Instagram account ni @jakroberto

Aminado ang aktor na si Jak Roberto na kinilig siya nang malamang taglay niya ang katangian ng lalaking gustong maging future husband ng girlfriend niyang si Barbie Forteza, lalo na at naihalintulad pa siya sa ama ng aktres.

Ayon sa PEP, inihalintulad ni Barbie si Jak sa kanyang ama na Antonio Forteza dahil sa pagiging maalaga nito.

“Naks! Nakakakilig naman ‘yon. Flattering naman,” ang nakangiting wika ni Jak.

Kuwento pa ng young aktor, sinabi rin ito ng mismong ina ni Barbie na si Amy Forteza.

“Pati si Tita, sabi niya, ‘Ganiyang-ganiyan si Daddy mo no’ng bata.’ Compliment naman ‘yon. Sobrang mabuting tao ‘yong daddy niya. Nakikita naman natin sobrang lagi niyang kasama ‘yong daddy niya, kung paano siya as daddy, kung gaano siya kaalaga at mabuting ama. So, nakakatuwa na maihalintulad sa daddy niya,” ani Jak.

KASAL- KAtabing magdaSAL 😋 #MTBKapeAtGatas

A post shared by Jak Roberto (@jakroberto) on

Talagang malapit na raw si Jak sa mga magulang ni Barbie bago pa man naging sila ng dalaga.

“Nauna ko kasing maging ka-close ‘yong parents niya. Kasi meron silang pet, ‘di ba? E, may pet din ako. May pet kami ni Sanya (Lopez, his sister). So, kapag pinu-post ko sa social media, nagko-comment si Tita. Hanggang sa naging close kami, pati kay Tito,” kuwento niya.