‘Hanggang dito na lang muna’: Lea nagpost ng throwback pictures nila ni Aga




Mga imahe mula sa Instagram account ni @msleasalonga

Muli na naman nagpakilig ang tambalang Leaga dahil sa pagbabahagi ng aktres na si Lea Salonga ng throwback photos nila ng dating ka-love team niya sa si Aga Muhlach.

Sa Instagram, nag-post si Salonga ng dalawang lumang litrato nila ni Muhlach.

“Dear @agamuhlach317, hindi tayo nagkita, kaya hanggang dito na lang muna. #OldScreenshots #1997 #Leas26thBday,” saad ng international singer-actress sa caption ng mga larawan.

Dear @agamuhlach317, hindi tayo nagkita, kaya hanggang dito na lang muna. #OldScreenshots #1997 #Leas26thBday

A post shared by Lea Salonga (@msleasalonga) on

Marami ang kinilig sa mga larawan.

“Ubos na ang oxygen! Grabe, kilig to the bones!” kumento ni @sainty24.

“Bakit lagi mo na lang kaming ginugulat? Lagi mo na lang kaming binibigyan ng heart attack!” ani @_lykagonzales.

“Bakit n’yo kami pinapakilig nang sobra-sobra? Jusko, my favorite love team forever!” wika ni @detorresarianne.

“May kilig factor talaga kahit hindi kayo nagkatuluyan,” sabi ni @gomezlala_.

At may mga humiling pa nga na sana ay magkaroon na ng reunion movie ang love team na nagpakilig sa madla sa pamamagitan ng mga pelikulang Bakit Labis Kitang Mahal? (1992) at Sana Maulit Muli (1995).

“Kilig much. Gawa ulit kayo movie, please,” hiling ni @cpen23.

“Third Movie na, please. Wala pa po ako sa mundo noong nagkamovie kayo. But I’m a fan. LeAga!” sabi ni @jezelledenice.

“Juskolored. Kailan po ang reunion movie?” tanong ni @iamkryptonite17.

Matatandaang nag-viral noong nakaraang taon ang sulat ni Muhlach kay Salonga, na “The One That Got Away” daw ng aktor.